AM I WITH THE RIGHT PERSON?

without his permission, i am posting this letter sent by a friend almost a year ago.  having read it from my inbox again tonight, i realized this is not supposed to be kept but shared to many others who do not want to talk to anyone  or who doesn’t have anyone to talk to,  ans resorted to google for random answers. so here goes:

Oi Amy,

 

Di mo na nga ako nirereplayan, nakablock pa ako sa FB mu. Anyare?

Sige ok lang, mukhang ganun talaga.

 

Anyways, medyo nainspired ako sayo na magsulat ulit eh, kaso etong subject na ito ang naisip kong isulat. Sana in a way makatulong din sayo, kung ano man bumabagabag sa isipan mo, sa mga bagay na hindi mo maintindihan.

 

Bawat relasyon ay may cycle… Sa umpisa, maiinlove ka sa partner mo, hinihintay mo ung text at tawag niya, gusto mo lage mo sya katabi, araw-gabi mo nakikita at nakakausap.  Hindi mahirap ang ma fall in love, sa totoo lang wala ka nga dapat gawin kasi natural at biglaan nangyayari yun, kaya nga tinawag na FALLING in love eh.

 

Pero makalipas ang ilang buwan o taon na mgkasama kayo sa relasyon, yung pinangarap mong LOVE ay unting nawawala.  Yang ang normal na cycle ng bawat relasyon

 

Unting unti ung mga tawag at text, nakakairitia na o kung may time pa silang tumawag o magtext, nakakasakal na pag lage mo syang kasama at yung topak ng partner mo na dati cute na cute ka, ngaun nakakainis na. Yung mga ganitong sintomas ay depende sa bawat relasyon, kasal man o hindi, mapapansin mo yan unti unti simula sa pagiging sweet nyo sa pagiging boring nyo pareho.

 

Sa ganitong stage, mapapatanong ka na lang, “Am I with the right person?”, tapos mapapaisip ka, isipin mo ung pagmamahalan ninyo dati pero mas parang gusto mo sa ibang tao naman maranasan iyon ngayon. Dito na nagsisimula bumagsak ang isang relasyon

 

Ang importante para magkaroon ng magandang relasyon ay hindi ung paghanap mo sa tamang tao para sayo, kundi matutunang mahalin ang tao na natagpuan mo.

 

Kadalasan ung mga tao sinisisi nila ung asawa o kasintahan nila dahil hindi na sila masaya, kaya naghahanap sila sa labas ng kanilang relasyon na mga bagay bagay na ikakasaya nila.  Kaya ung pangangaliwa hindi lang uso sa mga kalalakihan ngayon, pati mga babae natututo na maghanap ng mangaliwa dahil tingin nila hindi na nila mahal ung karelasyon nila at hindi na sila masaya.  Pero ung iba naman minsan sa mga bisyo napupunta, minsan sa trabaho, pwede rin sa mga barkada, o sa mga telenovela at panunuod ng tv, at higit sa lahat ung iba, nagda drugs na lang.  Pero ung sagot sa mga ganitong problema hindi makukuha sa labas ng relasyon nyo, kundi sa loob.

 

Hindi ko naman sinasabi na hindi ka pwedeng mainlab sa ibang tao, sa totoo lang pwedo naman, pero panandalian lang yun, sandali ka lang magiging masaya, di mo namamalayan, nandun ka na naman sa sitwasyon ng relasyon nyo na mgtatanong k na naman kung “Am I with the right person?”

 

Kasi nga, at sikreto para sa magandang relasyon ay hindi hanapin yung tamang tao para sayo kundi matutunan mong mahalin ung taong nahanap mo.

 

Ang pagmamahal kasi kailangan mo trabahuhin araw gabi, hindi biglaang pakiramdam yan.  Kailangan yan ng oras, effort at energy at higit sa lahat kailangan alam mo kung pano at anu gagawin mo.

 

Ang pag-ibig o pagmamahal ay isang desisyon, hindi lang pakiramdam.

 

Alam ko wala ako karapatan na mag advise ngayon kasi single ako at kakaalis ko lang sa isang failed marriage, pero yang mga nasabi ko, yan ung napag isip isip at natutunan ko sa mga nakarelasyon ko dati.

 

Di ko inaasahang sasagot ka pa sa email ko.

 

Gusto ko lang ishare sayo..

 

Yun lang..

 

 

Ako Lamang,

Jaynhus

to protect his privacy,  i am not posting his email address but i posted his name! hahaha! thank you jay! when you come across this, i hope this makes you smile. friends?  ☺

Be Sociable, Share!

Leave a Reply

CommentLuv badge